NAASCU: Fatima Enderun buhay pa
MANILA, Philippines — Patuloy na binubuhay ng Our Lady of Fatima University at Enderun Colleges ang kani-kanilang kampanya makaraang umiskor ng magkaibang panalo sa NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa RTU gym kahapon.
Binugbog ng OLFU ang Manuel Luis Quezon University, 80-61 habang sinilat naman ng Enderun ang Holy Angel University, 89-81 para sa kanilang ika-apat na panalo sa anim na laro sa Group B.
Binalikat ni Jessiery Pedrosa ang opensa ng OLFU sa kanyang kinamadang 20 puntos at walong rebounds.
Nag-ambag naman si Chris Essomba ng double-double na 10 puntos at 12 rebounds.
Samantala, si Serge Colince Wabo Kaptue ay gumawa ng 21 points, 13 rebounds at tatlong blocks habang si Kyle Dungan ay may 18 points at limang rebounds para sa Enderun.
Si Karl Christian Sampang ay 20 puntos at si Ezekiel Pacoma ay may 14 puntos at 16 rebounds naman para sa HAU.
- Latest