^

PSN Palaro

Generals rumesbak sa heavy bombers

Pilipino Star Ngayon
Generals rumesbak sa heavy bombers

Supalpal ang inabot ni Aaron Bordon ng JRU kay Philip Tampoc ng EAC sa NCAA. (Jun Mendoza)
 

MANILA, Philippines — Ginulantang ng Emilio Aguinaldo College ang Jose Rizal University sa pamamagitan ng 88-84 panalo upang sumampa sa No. 4 spot sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Naging sandalan ng Generals si Sidney Onwubere na kumana ng 28 puntos, walong rebounds at isang steal gayundin si Jerome Garcia na nagsumite naman ng 16 puntos, apat na boards at tatlong assists.

“Nag-pray ako before the game na sana padikitin lang kami sa fourth quarter then kami na po ang bahala,” pahayag ni Onwubere.

Umangat sa 6-6 ang Generals para mapalakas ang tsansa nitong makahirit ng Final Four berth.

Nagdagdag naman sina Philip Tampoc at Jeric Diego ng tig-11 puntos habang may pinagsamang 16 puntos sina Francis Munsayac at Irvin Mendoza para sa Generals na nakaresbak sa kanilang tinamong 48-77 kabiguan sa Heavy Bombers sa first round noong Agosto 15.

Nahulog ang Heavy Bombers sa 7-6 baraha subalit nanatili pa rin ito sa No. 3 spot sa likod ng nangungunang Lyceum of the Philippines (12-0) at nagdedepensang San Beda College (11-1).

Liyamado ang Heavy Bombers sa laban hawak ang 40 rebounds kumpara sa 29 lamang ng Gene­rals kasama pa ang 18-13 bentahe sa assists at 6-1 abante sa steals.

Nakakuha pa ang JRU ng 14 fastbreak points at 12 second chance points.

Ngunit kinapos ito sa huling kanto matapos ilabas ng Generals ang armas nito partikular na ang malagkit na depensa para mapuwersa ang Heavy Bombers na makagawa ng limang turnovers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with