^

PSN Palaro

Mbala balik-aksyon laban sa Adamson

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Makisalo sa liderato ang puntirya ng nagdedepensang La Salle sa pakikipagtipan sa Adamson University ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 80 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Asahan ang mas ma­bagsik na Green Archers dahil maglalaro na si reig­ning Most Valuable Player (MVP) Ben Mbala na galing sa kampanya sa 2017 FIBA Afrobasket.

Bahagi ang 6-foot-7 na si Mbala ng Cameroon national team na pumasok sa quarterfinals ng naturang torneo.

Nakatakda ang engkuwentro ng La Salle at Adamson sa alas-4:30 ng hapon habang masisilayan naman ang pukpukan ng National University at University of Santo Tomas sa alas-2.

Nasa ikalawang puwesto ang La Salle hawak ang 2-0 rekord sa ilalim ng Ateneo na may malinis na 3-0 baraha.

Hindi naging problema ang pagliban ni Mbala sa dalawang laro ng Green Archers.

Nagawang igupo ng La Salle ang Far Eastern University (95-90) at NU (115-109).

Nasandalan ng La Salle sina Aljun Melecio, Ricci Rivero at Kib Montalbo gayundin si Jolo Go na nagtala ng career-high sa kanilang huling laro para punan ang naiwang puwesto ni Mbala.

“Hindi naman ibig sabihin na kapag nandiyan si Ben, mananalo na kami. For sure, maga-adjust din ang ibang teams sa amin. On our part, konting adjustments na lang dahil confident naman ako sa mga players ko,” pahayag ni La Salle mentor Aldin Ayo.

Nasa gitna ng stan­dings ang Adamson at NU na parehong may 1-1 rekord.

Galing din sa panalo ang Soaring Falcons na nagtala ng 88-81 pananaig kontra sa Growling Tigers na nagsilbing resbak sa kanilang masamang 65-85 kabiguan sa Blue Eagles.

Ibabandera ng Adamson si slotman Papi Sarr na kumana ng 10 puntos sa kanilang panalo sa UST kasama sina Rob Manalang at Kurt Lojera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with