^

PSN Palaro

1st gold ng Team Phl hatid ni Asusano

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isinalba ni Cendy Asusano ang kampanya ng Team Philippines nang ibato nito ang unang ginto sa 9th ASEAN Para Games sa National Stadium Center sa Bukit Jalil sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Inangkin ng 27-anyos na si Asusano ang ginto sa javelin sa F54 at F55 combined nang bumato ng distansyang  13.04 metro para u­ngusan ang kababayang si Jesebel Tordecilla na naka-silver sa layong 12.80m at Vietnamese Tran Thi Tu ng 12.66m para sa bronze.

Ibinigay naman ng siklistang si Arthus Bucay ang kanyang ikalawang silver nang pagharian ang 4000 individual pursuit (C5) sa tiyempong 5:15.574 sa likod ng Malaysian Zuhaire Bin Ahmad Tarmizi na may oras na 5:06.968 para sa ginto.

Dalawang bronze pa ang nadagdag sa kaban ng Pilipinas mula sa swimming.

Nagposte ang 18-anyos na si Claire Sunega Calizo ng isang minuto at 15.47 segundo para masungkit ang bronze sa 100-m freestyle sa S14 category sa likuran ni gold medalist Syuci Indriani ng Indonesia (1:05.15) at silver medalist Danielle Yan Ting Moi ng Singapore (1:07.20).

Pinilit naman nina Ernie Gawilan, Gary Bejino, Roland Sabido at Arnel Aba lumaban mula sa sixth spot hanggang makuha ang bronze medal sa men’s 4x100-m relay ng swimming sa oras na 4:41.58. Nakuha ng Indonesia ang gold (4:26.05) at Vietnam para sa silver (4:36.42).

“I’m grateful for the bronze because I didn’t really expect anything,” sabi ni Calizo ng Aklan.

Sa powerlifting tumapos lamang si Romeo Tayawa sa pang-apat na puwesto sa kanyang naabot na 110- kgs.

Kahit sina Marydol Pamatian at Achelle Guion ay nabigo rin sa women’s 41kg division sa powerlifting.

Sa athletics, pang-lima lamang si Bernie Bohol sa kanyang 16.29 segundo sa  100-m dash ng T54.

Sa goalball, natalo ang mga Filipino team sa Laos, 7-17 upang matikman ang unang kabiguan makaraang manalo sa Cambodia, 12-11 noong Linggo.

Ang Team Philippines sa ngayon ay mayroon pa la­mang isang silver at dalawang bronze para sa pang-siyam na puwesto sa 11 bansang kasali.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with