^

PSN Palaro

Lady Maroons sinibak ang Lady Blazers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Maroons sinibak ang Lady Blazers

Swak sa depensa nina Ranya Musa at Diane Ventura  ng St. Benilde ang kill ni Diana Rose Carlos ng University of the Philippines sa PVL. Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Ginulpi ng University of the Philippines ang College of St. Benilde, 25-19, 25-13, 25-19  para mapalakas ang tsansa nitong makahirit ng tiket sa Final Four ng Premier Volleyball League Collegiate Conference kagabi sa The Arena sa San Juan.

Kinailangan lamang ng Lady Maroons ng 67 minuto upang patumbahin ang Lady Blazers tungo sa kanilang ikalawang sunod na straight-set win sa tatlong asignatura.

Pumalo ang Diliman-based squad ng 38 spikes kalakip ang walong blocks at pitong aces na siyang naging matibay na armas ng Lady Maroons laban sa Lady Blazers.

Sumalo ang UP sa San Beda na may parehong 2-1 baraha sa Group B habang nangunguna ang Adamson University na may imakula­dang 3-0 rekord.

Nanguna sa ratsada ng Lady Maroons si team captain Diana Carlos na umiskor ng 14 puntos ka­bilang ang 12 attacks samantalang nag-ambag naman si Marian Buitre ng 10 hits gayundin sina dating UAAP Rookie of the Year Isa Molde at Justine Dorog ng tig-walong puntos.

Maganda rin ang inilaro ni playmaker Rose Mary Cailing na may 24 excellent sets.

“Nandun na yung maturity sa team dahil mabilis kaming nakakabawi kapag may errors kami. Pero kailangan pa rin na­ming pagtuunan ng pansin yung errors namin. Sana sa susunod na game namin, wala na masyadong errors,” ani Cailing.

Tuluyan nang nama­alam sa kontensiyon ang Lady Blazers na lumasap ng ikatlong sunod na talo.

Samantala, lumapit naman ang Arellano University sa semifinals nang igupo ang Technological Institute of the Philippines, 25-16, 25-15, 25-18 sa ikalawang laro.

Lutang na lutang ang tikas ng reigning NCAA champion sa paggiba sa Lady Engineers nang kumunekta ito ng 44 kills laban sa 19 spikes lamang ng huli.

Dominado rin ng Arellano ang net sa kanilang inilistang pitong blocks na nagpahirap sa Lady Engineers dahilan upang ma­kagawa lamang ito  ng siyam na aces.

Ang panalo ang naghatid sa Lady Chiefs sa 3-1 kartada sa likod ng nangu­ngunang Lady Falcons na may 3-0 sa Group B.

Sa men’s division, nasi­guro ng Far Eastern University ang kanilang puwesto sa Final Four matapos ilista ang 25-22, 27-25, 25-21 panalo laban sa College of St. Benilde habang buhay pa ang National University na pinayuko ang University of Santo Tomas, 25-21, 17-25, 27-25, 25-23.

Umakyat sa 4-1 ang Tamaraws habang sumulong sa 2-2 ang Bulldogs.

Bagsak sa 2-3 ang Tigers habang sibak na ang Blazers na may 0-4 marka.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with