PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

So, Georgian GM naghati uli sa puntos

MANILA, Philippines — Nagkasya uli sa draw sina Filipino Grandmaster   Wesley So at Georgian GM Baadur Jobava sa Game 2 ng fourth round ng 2017 FIDE (International Chess Federation) World Chess Cup na ginaganap sa Tbilisi, Georgia.

Nauwi sa draw ang laban nina second seed So at 47th pick Jobava matapos ang 54 moves ng Reti Opening.

Tabla sina So at Jobava sa 1-1 dahilan upang mauwi ang kanilang laban sa playoff na kapapalooban ng dalawang rapid games upang madetermina ang papasok sa quarterfinals ng torneo.

Una nang umabante sina fifth seed GM Levon Aronian ng Armenia, 11th seed GM Ding Liren ng China at 29th pick GM Vassily Ivanchuk ng Ukraine matapos manalo sa kani-kanilang laban sa torneong may $120,000 para sa magkakampeon at $80,000 naman sa runner-up.

Pinataob ni Aronian si 53rd seed GM Daniil Dubov ng Russia (1.5-0.5), ginulantang ni Ivanchuk si 13th seed GM Anish Giri ng Netherlands (1.5-0.5) at namayani si Ding sa kababayang si 38th seed GM Wang Hao (1.5-0.5).

Daraan din sa playoff ang laban nina GM Bu Xiangzhi ng China at GM Peter Svidler ng Russia, GM Maxime Vachier-Lagrave ng France at GM Alexander Grischuk ng Russia, GM Evgeniy Najer ng Russia, GM Richard Rapport ng Hungary, GM Vladimir Fedoseev ng Russia at GM Maxim Rodshtein ng Israel. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: