PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

De Ocampo isasalba ang tsansa ng Bolts

Laro Ngayon(Smart Araneta Coliseum)

4:15 p.m. Alaska vs Meralco

7 p.m. Globalport vs Star

MANILA, Philippines — Itatampok ng Bolts si veteran forward Ranidel De Ocampo sa kanilang hangaring mapatibay ang tsansa para sa Top Four.

Inaasahang gagamitin ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black si De Ocampo sa kanilang depensa para pigilin ang three-game winning streak ng Aces.

“Once again we will rely on our defense to try and get the win,” ani Black sa pagsagupa ng kanyang Meralco sa Alaska ngayong alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang No. 1, 2, 3 at 4 teams ang magbibitbit ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa No. 8, 7, 6 at 5, ayon sa pagkakas­unod.

Naidiretso ng Aces sa tatlo ang kanilang pag-arangkada matapos talunin ang sibak nang Kia Picanto, 102-94 noong nakaraang Linggo para palakasin ang kanilang pag-asa sa eight-team quarterfinals cast.

“This is a tough situation for us,” sabi ni Alaska mentor Alex Compton. “We have what is a must-win against one of the very best teams in our league.”

Sa ikalawang laro sa alas-7 ng gabi ay kapwa ha­ngad ng Star at Globalport na makabangon mula sa kani-kanilang kamalasan.

Nahulog sa tatlong sunod na kamalasan ang Hotshots matapos ang 4-0 panimula, habang naisuko naman ng Batang Pier ang tatlo sa kanilang huling apat na asignatura.

 Muli namang sasandalan ng Globalport si Fil-Am Stanley Pringle, hindi naglaro sa huling dalawang laban ng Batang Pier dahil sa pagkamatay ng kanyang ama sa Amerika.

Ang mga ito ay laban sa San Miguel Beermen, 112-115 at NLEX Road Warriors, 99-109. 

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: