PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

JRU pinasabog ang Letran

Pinayungan ni AbdulWahab AbdulRazak ng JRU si Tommy Gedaria ng Letran. (Jun Mendoza)

MANILA, Philippines — Binomba ng Jose Rizal University ang Colegio de San Juan de Letran sa pamamagitan ng 77-68 panalo upang mapatatag ang kapit sa ikatlong puwesto sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nagtulong sina Ervin Grospe at Teytey Teodoro sa paghakot ng pinagsamang 30 puntos, walong rebounds at pitong assists para pag-initin ang Heavy Bombers na nanatiling nasa Magic 4 tangan ang 7-4 baraha.

Nasa unahan ang Lyceum of the Philippines na wala pang talo sa 11 laro kabuntot sa ikalawa ang nagdedepensang San Beda College na nakasa­kay sa 10-1 kartada.

“We are winning because of defense. It’s our main offense,” pahayag ni Heavy Bombers mentor Vergel Meneses.

Malaki rin ang kontribusyon ni Jed Mendoza na nagrehistro ng 11 puntos, pitong boards at apat na assists.

Nasayang ang 21 puntos na pinaghirapan ni JP Calvo at ang 37 puntos na nakolekta nina Rey Nambatac, Bong Quinto at Jerrick Balanza para sa Letran na nalaglag sa No. 5.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Humatak ang Heavy Bombers ng 43 rebounds tampok ang 14 mula kay Abdul Wahab Abdul Razak habang nakapaglista rin ang tropa ng 20 assists na malaking tulong para makakuha ng 16 fastbreak points sa larong may walong lead changes at limang deadlocks.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: