PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

U17 Phl Volcanoes runner-up sa Youth Olympic Qualifiers

Ang miyembro ng U17 Philippine Volcanoes na tumapos na runner up sa Plate Division  sa 2017 Youth Olympic Qualifiers sa Taiwan.
 

MANILA, Philippines — Sa suporta ng First Pacific at MVP Sports Foundation, tumapos ang U-17 Philippine Volcanoes sa first runner-up sa Plate Division ng 2017 Youth Olympic Qualifier na ginanap sa Tainan, Taiwan.

Ang naturang kumpetisyon sa Taiwan ay isa ring Asia’s qualification para sa 2018 Buenos Aires Youth Olympics.

Tinalo ng Junior Volcanoes ang Uzbekistan 14-5 sa  opening game pero nabigo naman sa Japan sa kanilang ikalawang laro ngunit bumawi sa pamamagian ng 35-0 shutout panalo laban sa Laos.

Pinangunahan nina Dean Beeton, Paco Locsin at Owen Wakeham ang malaking panalo ng Pilipinas.

Tinapos ng Junior Volcanoes ang ikatlong araw sa ikatlong puwesto sa pool.  Ang team captain na si Beeton ay gumawa ng seventy percent success rate sa kicking conversions para sa 29-5 panalo sa India.

Pagkatapos ng semifinal, nagkaroon ng injury sina Beeton at home grown speedster Anthony Buenconsejo ng Clark Jets kaya natalo sa Hong Kong sa plate finals, 0-29.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“The boys played their hearts out and I could not ask for anymore from them,” sabi ni Beeton. 

“The experience for the players was phenomenal, an event that opens so many opportunities for young athletes. A big thanks to First Pacific and MVP Sports Foundation for supporting our National Youth Programs,” dagdag pa ni Beeton.

“These young men are the future for Philippine sport and have done our country proud,” wika naman ni  head coach Jovan Masalunga.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: