PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Red Spikers nabuhayan ng pag-asa

MANILA, Philippines —  Hinarang ng San Beda College ang ilang pagtatangka ng dating NCAA champion College of Saint Benilde upang itakas ang 25-21, 25-20, 17-25, 25-19 panalo at makabalik sa kontensiyon sa Premier Volleyball League Collegiate Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Inilatag ni Cesca Racraquin ang kanyang all-around game nang umiskor ito ng 15 puntos mula sa 12 attacks, dalawang aces at isang block kasama ang 22 digs at 16 receptions para sumulong ang Red Spikers sa 2-1 marka sa Group B.

Naasahan din ng San Beda si Nieza Viray na nagsumite ng 10 kills at dalawang aces gayundin sina Trisha Paras at Satrianni Espiritu na may tig-walong puntos at si Jiezela Viray na umani naman ng pitong puntos.

Nagpasiklab si middle blocker Ranya Musa nang maglista ito ng 21 puntos habang nagrehistro naman ng 12 markers si Marites Pablo - ang nakababatang kapatid ni volleyball superstar Myla Pablo.

Subalit bigong maka­kuha ng solidong suporta ang Lady Blazers sa iba pang miyembro ng koponan kung saan nalimitahan sa pitong puntos si Arianne Daguil at dalawa lamang si team captain Klarissa Abriam.

Matibay ang depensa ng Benilde sa net nang magtala ito ng 15 blocks tampok ang walo mula kay Musa, laban sa apat lamang ng San Beda.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Dikit din ang dalawang tropa sa attacks, 41-38, pabor sa Red Spikers.

Subalit malaking pahirap sa Lady Blazers ang 37 errors na nagawa nito na sinabayan pa ng 10 aces ng Red Spikers.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: