PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

E-Painters sinibak na ang Phoenix

MANILA, Philippines —  J’Nathan Bullock at Raymond Almazan para bitbitin ang Rain or Shine sa 116-111 panalo laban sa Phoenix kagabi sa PBA Governors’ Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City.

Mainit ang simula ni Bullock nang ilista nito ang unang 17 puntos ng Elasto Painters na siyang naging magandang pundasyon ng tropa para makuha ang panalo.

Nakalikom ito ng kabuuang 33 puntos, walong rebounds, apat na assists at tatlong steals para sa RoS na umabante sa 5-3 kartada.

Si Almazan naman ang nasandalan ng Elasto Pain­ters nang ipinta ang ilang krusyal na puntos sa huling sandali ng laro para pigilan ang anumang pagtatangka ng Fuel Masters.

Tumapos si Almazan tangan ang double-double na 25 puntos, 11 rebounds at tatlong blocks.

“We’re lucky we won the game. Phoenix is loaded with scorers and I told the players they can’t relax against Phoenix. We a­c­tually started strong but I felt our energy was not there in the third. We have to review our mistakes if we want to go far in this conference,” pahayag ni Elasto Painters mentor Caloy Garcia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Umatake rin si Gabe Norwood na kumana ng 17 markers, anim na boards at tatlong assists gayundin si Jericho Cruz na umukit naman ng 14 puntos, limang assists at apat na boards sa panig ng Elasto Painters.

Maganda ang ikot ng bola ng Elasto Painters para makakuha ng 26-18 bentahe sa assists sa Fuelm Masters habang nanguna rin ito sa steals (10-3) at blocks (5-3).

Mala-import ang inilabas na laro ni Matthew Wright na humakot ng 36 puntos at pitong rebounds habang halimaw din ang kanilang reinforcement na si Brandon Brown na may double-double na 33 puntos, 20 rebounds at apat na assists.

Ngunit hindi sapat ang pinagsikapan nina Wright at Brown para mahulog sa 2-8 ang Fuel Masters.

Ang naturang kabiguan din ang nagpatalsik sa Phoenix sa kontensiyon.

“Matthew played like an import and I told them to keep their defense,” dagdag ni Garcia.

Samantala, kasaluku­yang naglalaban ang TNT KaTropa at NLEX habang sinusulat ito. (Chris Co)

Rain or Shine 116--Bullock 33, Almazan 25, Norwood 17, Cruz 14, Yap 9, Borboran 7, Tiu 6, Ahanmisi 5, Trollano 0, Belga 0, Matias 0.

Phoenix 111 – Wright 36, Brown 33, Jazul 9, Wilson W. 8, Kramer 8, Intal 7, Chan 6, Lanete 2, Eriobu 2, Alolino 0, Miranda 0, Dehesa 0.

Quarterscore: 24-18, 61-45, 85-84, 116-111.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: