Standhardinger sumali sa PBA draft
MANILA, Philippines – Pangungunahan ni Gilas Pilipinas bigman Christian Standhardinger ang mga manlalarong nangangarap na makapasok sa PBA.
Last-minute ang application ni 6-foot-7 Standhardinger na ipinadala via email kay PBA commissioner Chito Narvasa.
Nakilala ang 28-anyos na Filipino-German matapos ang kaniyang magandang laro sa tatlong liga na sinalihan ng national team.
Kabilang si Standhardinger sa Gilas squad na sumabak sa Jones Cup, FIBA cup at SEA Games.
Bukod kay Standhardinger, kabilang din sa mga Fil-foreigners na sasabak sa rookie draft na gagawin sa October 29 ay sina Jason Perkins, Davon Potts, Swede Andreas Cahilig, Roberth Herndon, Julian Sargent, Felix Apreku at Zachary Nichols.
- Latest