Ellis, Marcelo sa Blackwater; Dela Cruz, Aguilar sa Ginebra
MANILA, Philippines — Matapos ang limang taon ay binitiwan na ng Ginebra si Chris Ellis at Dave Marcelo upang ilipat sa Blackwater.
Kapalit nina Ellis at Marcelo ay sina Art Dela Cruz at big man na si Raymond Aguilar.
Taong 2012 nang ma-draft si Ellis ng Ginebra ngunit hindi maganda ang kaniyang averages ngayong conference na 3.5 points, 3.5 boards at 1 assist.
Samantala, dalawang taon pa lamang sa PBA si Dela Cruz na nakakapagtala ng 12.3 points, 5.3 rebounds at 2.3 assists.
Kasalukuyang nasa tuktok ng standings ang Ginebra tangay ang 5-1 win-loss record, habang 3-4 na kartada naman ang hawak ng Blackwater.
- Latest