Blackwater diretso sa ikatlong panalo
MANILA, Philippines - Nakahugot ng produksyon mula kina Mike Digregorio, Bam Gamalinda at JP Erram, sinungkit ng Blackwater ang kanilang ikatlong sunod na panalo.
Tinakasan ng Elite ang Alaska Aces via double overtime, 111-106, sa 2017 PBA Governor’s Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang three-game winning streak ang kauna-unahan sa franchise history ng Blackwater sa ilalim ni coach Leo Isaac.
Tumapos si Digregorio na may 17 points, tampok dito ang 3-of-5 shooting sa three-point line, habang nagtala sina Gamalinda at Erram ng 15 at 13 markers, ayon sa pagkakasunod.
Muling binanderahan ni import Henry Walker ang Elite sa kanyang 35 points.
Nakatabla sa Aces, may 0-5 baraha, sa 91-91 sa huling 22.4 segundo ng fourth quarter patungo sa unang overtime.
Itinulak naman ni Henton ang Alaska sa ikalawang extension, 97-97, mula sa kanyang basket.
Blackwater 111 - Walker 35, DiGregorio 17, Gamalinda 15, Erram 13, Canaleta 9, Cruz 8, Pinto 6, Sumang 4, Sena 2, Miranda 2, Aguilar 0, K. Pascual 0.
Alaska 106 - Henton 31, Casio 25, Enciso 11, Banchero 10, Thoss 10, Manuel 6, Baclao 6, Galliguez 3, Exciminiano 2, Mendoza 2, Hontiveros 0, Racal 0.
Quarterscores: 25-13; 44-40; 68-60; 91-91; 97-97; 111-106.
- Latest