Irving sa Celtics; Thomas kasama ang 3 players sa Cavaliers
CLEVELAND - Pagod na si Kyrie Irving na maging teammate si LeBron James sa kampo ng Cavaliers.
Ngayon ay maghahanap siya ng paraan para talunin ang four-time NBA Most Valuable Player.
Pumayag ang Cavaliers na i-trade ang All-Star point guard sa Boston Celtics kapalit ng isang package na pinamumunuan ni All-Star point guard Isaiah Thomas.
Kasama ni Thomas na dinala rin ng Boston sa Cleveland ay sina forward Jae Crowder, center Ante Zizic at ang Brooklyn Nets’ unprotected 2018 first-round draft pick.
Nauna nang hiniling ni Irving kay Cavaliers owner Dan Gilbert na dalhin siya sa ibang koponan dahil ayaw na niyang makatambal si LeBron James.
“It’s extremely rare to trade for a 25-year-old player that’s done what he’s done, the offensive weapon that he is,” wika ni Celtics president Danny Ainge kay Irving. “We feel like his best basketball is still ahead of him.”
Sa likod nina James at Irving ay naglaro ang Cleveland sa NBA Finals sa nakaraang tatlong seasons at naghari noong 2016.
Tumapos naman ang Celtics squad bilang No. 1 sa Eastern Conference sa regular season bago nasibak ng Cavaliers, 4-1, sa Eastern Conference Finals.
Bunga ng kanyang hip injury ay hindi nakapaglaro si Thomas sa huling tatlong laro ng serye.
Ang 25-anyos na si Irving ay nagposte ng mga career-high na 25.2 points at 5.8 assists sa nakaraang season.
“We have a player that’s proven to be a sure thing. We know how unpredictable the draft can be. You do pay a heavy price for a player of that age and that caliber,” wika ni Ainge kay Irving, may natitira pang three-year, $60 million contract sa Cavaliers.
Naglista si Thomas ng average na 28.9 points sa nakalipas na 2016-17 season.
- Latest