^

PSN Palaro

Cray biktima ng taktika ng Malaysia

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Cray biktima ng taktika ng Malaysia

KUALA LUMPUR -- Si 400m hurdles gold medalist Eric Cray. Jun Mendoza

KUALA LUMPUR – Malaki ta­­laga ang nangyari sa pag­­­baba­go sa schedules ng athletics event kaya nala­gasan si Eric Cray ng isang gintong medalya sa 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National stadium dito.

Sa loob ng isang araw ay tumakbo si Cray ng apat na beses kabilang na ang heats sa 100m dash at 400m hurdles at ang masaklap pa ay mahigit isang oras la­mang ang pagitan bawat schedules.

Nagwagi man ang Olonga­po City-born na si Cray ng gintong medalya sa 400-m hurdles sa oras na 50.03 segundo ay sumegunda lamang siya sa fi­nals ng 100-m dash sa kanyang 10.43 segundo.

Siya ang naghari sa nasabing event noong 2015.

Dahil sa pagbabago sa schedule ay nagtagumpay ang hometown favorite na si Khairul Hafiz na kumuha sa gintong medalya sa bilis na 10.38 segundo, habang nagtapos sa parehong oras na 10.43 sina Cray at ang bronze medalist na si Kritsa­da Namsuvum ng Thailand pero nakuha ng Filipino sprinter ang silver medal.

“I did it my best shot in the 100 but the Malaysian did run a good race,” sabi ng 2016 Rio Olympian na si Cray na nagkaroon na ng sakit sa katawan bago ang 100-m race.

Bago pa mag-umpisa ang athletics event ay inirek­lamo na ni Philippine Amateur Athletics Federation (PATAFA) president Philip Ella Juico ang nangyaring pag­babago sa schedules ng 400m hurdles at 100m dash at ang pangamba ay ang pag­kawala ng isang ginto sa national athletics team.

 “But if the 100m finals was run tomorrow, things could have been different,” dagdag pa ng Filipino-Ame­rican na si Cray.

Mayroon pang isang event si Cray.

Ito ay ang 4x100m relay at nangako siyang susung­ki­tin ang kanyang ikalawang gintong medalya.

Sa ibang event, naka­kuha ng bronze medal si Eva­lyn Palabrica sa wo­men’s javelin throw mula sa hagis na 47.21 meters.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with