Pinay spikers susukatin ng Malaysians
MANILA, Philippines - Sisimulan ng national women’s volleyball team ang kampanya nitong maibalik ang ningning ng Pilipinas sa volleyball sa pagharap sa Malaysia sa 2017 Southeast Asian Games sa MITEC Hall 8 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Papalo ang mga Pinay spikers laban sa mga Malaysians ngayong alas-2 ng hapon.
Matapos ang Malaysia ay sunod na makakalaban ng mga Pinay ang 2015 Singapore SEA Games silver medalist na Vietnam.
Sumailalim ang national team sa 17-day training camp sa Japan kasunod ang pagsabak sa 19th AVC Asian Senior Women’s Championship sa Laguna.
Huling nagkamit ng medalya ang Pilipinas noong 2005 nang pumangatlo sa Manila SEA Games.
“I like the progress of the team. The team had already developed. It is now fighting hard and pushing its opponents to the limit. I just hope we can carry that momentum into the SEA Games starting against Malaysia,” ani coach Francis Vicente.
- Latest