^

PSN Palaro

Pinoy athletes nabokya sa gold

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Pinoy athletes nabokya sa gold

KUALA LUMPUR -- Sinisipat ni billiards legend Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang tira. Jun Mendoza

KUALA LUMPUR – Na­bokya ang Team Philippines sa gold medal race ka­hapon matapos makasung­kit ng isang silver at apat na bronze medals sa ikalimang araw ng kumpetisyon sa 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National Stadium dito.

Tanging si Kaitlin de Guz­man ang nakakuha ng sil­ver medal mula sa floor exercise ng artistic gym­nastics at sinundan pa ng 17-anyos na US-based  ng isang bronze sa balance beam event.

Nakakuha rin ng tansong medalya sina Reyland Ca­pellan sa vault event ng artistic gymnastics at Arniel Ferrera sa hammer throw ng athletics event (55.94-m).

Ang isang bronze medal ay mula kay Mae Soriano pag­karaang manalo kay Ap­ril Phaw ng Myanmar sa bronze medal match ng wo­men’s karatedo -55kg ku­mite.

Patuloy pa rin ang laban ng Team Philippines sa araw na ito kung saan ma­higit 48 gintong medalya ang nakataya at inaasahang ba­bawi ang mga atletang Pi­noy sa athletics, billiards, bow­ling, swimming, gymnas­tics, karatedo, pencak silat, cycling at shooting.

Buhay pa rin ang asam ng Philippine swimming team na matapos ang ma­ha­bang gold medal drought sa pamamagitan ni 2016 Rio Olympian Jasmine Alkhaldi.

Pumasok ang 23-anyos na si Alkhaldi sa finals ng women’s 100-m freestyle ngayong gabi.

Ang star-studded billiards team nina Carlo Biado, Warren Kiamco, Rubilen Amit at Cheska Centeno ay inaasahang magbibigay ng malaking panalo.

Sa athletics, babawi sina Mark Harry Dio­nes sa men’s triple jump at sina Mervin Guarte at Marco Vilog sa men’s 800-meter run.

Sa men’s basketball, di­­nurog ng Gilas cadets ang Malaysia, 98-66, para wa­lisin ang eliminasyon.

Kumolekta si Fil-Ger­man Christian Standhar­dinger ng 18 points at 18 re­bounds para sa 3-0 record ng Gilas cadets sa Group A.

Tuluyan namang nag­laho ang pag-asa ng men’s at women’s football teams matapos matalo sa de­fen­ding champion Thailand, 0-2.

Ito na ang kanilang ikatlong sunod na pagkatalo ng national men’s team (1-3) sa Group B.

Nabigo naman ang Malditas sa Myanmar, 0-6, para sa 1-2 record.

Makakaharap ng Malditas ang Thailand ngayong alas-4 ng hapon.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with