Gilas cadets hindi babalewalain ang kakayahan ng Malaysia sa men’s basketball
KUALA LUMPUR – Ang ikatlong sunod na ratsada ang pakay ng Gilas Pilipinas cadets sa pagsagupa sa host Malaysia sa men’s basketball event ng 29th Southeast Asian Games ngayon dito sa MABA Stadium.
Magsasagupa ang Gilas cadets at Malaysians sa alas-6 ng gabi kasunod ang pagharap ng Perlas Pilipinas laban sa Thailand sa alas-8:15 ng gabi.
Tinalo ng Gilas cadets ni coach Jong Uichico ang Thailand, 81-74, at ang Myanmar, 129-34.
“We saw during our game against Thailand that this tournament is no longer the same as before,” wika ni Uichico, tinanggap sa koponan si Carl Bryan Cruz. “We have to do some adjustments if we want to win convincingly over the Malaysians.”
- Latest