^

PSN Palaro

Kampanya ng Pinoy spikers sisimulan sa Vietnamese

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapalaban agad ang Pinoy spikers na sasabak laban sa Vietnam sa men’s volleyball competition ng 2017 Southeast Asian Games na lalaruin sa MITEC Hall 11 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nakatakda ang laro sa alas-5 ng hapon kung saan sisimulan ng koponan ang tangkang makabalik sa podium matapos ang masaklap na ikaanim na puwestong pagtatapos sa 2015 Singapore SEA Games.

Optimistiko si men’s national team head coach Sammy Acaylar dahil sumailalim ang kaniyang bataan sa matinding pagsasanay sa South Korea kasabay ng ilang tuneup games laban sa mga foreign teams.

Dumaan sa 15-araw na training sa Suwon City sa South Korea at sumali sa pocket tournament kung saan nakaharap nito ang Macau national team.

“We’ve been working hard for the past few months and it’s now time for us to apply everything that we learned,” wika ni Acaylar na bahagi ng coaching staff nang masungkit ng women’s national team ang gintong medalya sa 1993 SEA Games sa Singapore.

Ngunit aminado si Acaylar na hindi magiging madali ang daang kanilang tatahakin.

Hawak ng Vietnam ang pilak na medalya noong Singapore SEA Games kaya naman kinakailangan ng Pinoy spikers na ibuhos ng buong puwersa nito para makasabay sa atake.

Matapos ang Vietnam, sunod na makakaharap ng Pilipinas ang Indonesia sa Miyerkules at Timor Leste sa Biyernes.

Sasandalan ni Acaylar si team captain Johnvic de Guzman kasama sina Ran Abdilla, Mark Alfafara, Herschel Ramos, Bryan Bagunas, Reyson Fuentes at playmaker Geuel Asia.

Ang women’s team ay aariba sa Huwebes laban sa Malaysia at sa Biyernes kontra naman sa Vietnam.

Kinuha naman ni head coach Francis Vicente si libero Dawn Macandili bilang kapalit ni Denden Lazaro na nagtamo ng hamstring injury.

Nasungkit ni Macandili ang Second Best Libero sa 2017 AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship na ginanap sa Biñan, Laguna noong nakaraang linggo. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with