^

PSN Palaro

Holloway binitbit ang batang pier sa ika-2 dikit

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Holloway binitbit ang batang pier sa ika-2 dikit

Pinagtulungang supalpalin nina Jason Ballesteros at import Markeith Cummings ng Kia si Batang Pier import Murphy Holloway. Miguel De Guzman

MANILA, Philippines - Tatlong linggo na ang nakakaraan nang maglaro ang mga Batang Pier.

Ngunit wala itong epek­to para sa koponan ni head coach Franz Puma­ren.

Humakot si import Murphy Holloway ng 29 points, 18 rebounds, 3 assists at 3 blocks para ihatid ang Globalport sa 102-90 panalo laban sa Kia sa 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na arangkada ng Batang Pier para sa ka­nilang 2-2 kartada kasabay ng pagsibak sa Picanto, nalasap ang pang-pitong sunod na kabiguan.

“The three-week layoff was hard. We were sluggish in a way that we were rushing things,” sabi ni Pumaren.

Nagtala naman si point guard Stanley Pringle ng 21 markers, 7 boards at 4 assists, habang nag-ambag ng 13 at 10 points sina Mac Baracael at Mike Cortez, ayon sa pagkakasunod.

Isinara ng Globalport ang first half bitbit ang 49-48 abante at bahagyang nakalayo sa Kia sa pagtatapos ng third period, 74-69.

Nagpakawala ang Batang Pier ng 11-0 atake, tampok ang three-point shot ni Baracael, para itayo ang  17-point lead, 85-69, sa unang apat na minuto ng fourth quarter.

Humataw naman sina import Markeith Cummings at Renen Celda para ilapit ang Picanto sa 90-96 sa huling 54.5 segundo ng laro.

Nagsalpak si Holloway ng isang dunk kasunod ang layup ni Cortez at floater ni Baracael para tuluyan nang selyuhan ang panalo ng Globalport.

Pinangunahan ni Cummings ang Kia mula sa kanyang game-high na 37 points, habang nagdagdag si Celda ng 15 markers.

Globalport 102 - Holloway 29, Pringle 21, Baracael 13, Cortez 10, Anthony 8, Pennisi 6, Araña 6, Guinto 5, Hubalde 4, Celiz 0, Grey 0, Forrester 0.

Kia 90 - Cummings 37, Celda 15, Elorde 9, Camson 9, Paniamogan 6, Revilla 6, Salva 4, Caperal 2, Jaime 2, Corpuz 0, Ballesteros 0, Khobuntin 0, Yee 0, Deutchman 0.

Quarterscores: 28-21; 49-48; 74-69; 102-90.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with