^

PSN Palaro

Tabal tinupad ang pangako

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tabal tinupad  ang pangako

Mary Joy Tabal

MANILA, Philippines -  Nasungkit ni Olympian Mary Joy Tabal ang unang gintong medalya ng Pilipinas matapos pagreynahan ang women’s marathon sa 2017 Southeast Asian Games na ginanap sa Presint 3 sa Putrajaya, Malaysia.

Nairehistro ng Cebu City native ang impresibong dalawang oras, 48 minuto at 26 segundo upang patumbahin sina silver medalist Thi Thanh Hoang ng Vietnam na may malayong 2:55.43 at 2015 gold medalist Natthaya Thanaronnawat ng Thailand na nagsumite ng 2:58.17 para magkasya sa tansong medalya.

“Yung last loop ko po halos hindi ko na maigalaw yung paa ko dahil sa sobrang excitement pero kino-control ko po kasi ayaw kong mabigo yung bansa natin. Yung nasa isip ko, I want to give what the Filipinos are expecting me to do,” wika ng 4-foot-11 na si Tabal.

Nalampasan ng 28-anyos na si Tabal ang kanyang silver-medal finish noong 2015 Singapore Games kung saan nagsumite ito ng 3:04.39.

“Kanina yung bigat ng katawan ko napi-feel ko na po pero nung nagsisigawan po kayong lahat sobrang na-inspire ako na hindi ako kailangan magpakita ng weakness, kailangan ko talagang ipagpatuloy ito kasi ayoko talagang ma-fail this time,” dagdag ni Tabal.

Umaasa si Tabal na magsisilbing magandang ins­pirasyon ang kanyang magandang panimula para sa pambansang koponan lalo na sa kanyang mga kapwa atleta na nakatakdang lumaban sa kani-kanilang events.

“Sana maging inspirasyon ito ng mga atleta na gawin po talaga ang best nila kasi kaya po talaga natin. Ipakita po natin hindi lamang sa Southeast Asia pati sa buong mundo na kaya po natin mag-excell,”  aniya.

Hindi naman pinalad na makapasok sa Top 3 si Jeson Agravante sa men’s division matapos makaranas ng leg cramps ilang kilometro bago matapos ang karera.

Hindi natapos ni Agravante ang karera kaya’t agad itong isinakay sa emergency ambulance.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with