^

PSN Palaro

1st gold ng Pinas itinakbo ni Tabal

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
1st gold ng Pinas itinakbo ni Tabal

LUHA NG TAGUMPAY--Umiiyak na iwinawagayway ni Mary Joy Tabal ang bandila ng Pilipinas makaraang ibigay sa bansa ang unang ginto sa marathon event ng 2017 Malaysia SEA Games. (Jun Mendoza)
 

Kuala Lumpur - Mataas ang pag-asa ng mahigit 731-man Team Philippines habang iwinawagayway ang bandila ng bansa sa isinagawang parada sa opening ceremonies na simbolo sa pornal na pagbubukas ng 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National Stadium dito.

Inaasahan ng mahigit 498 atleta, 163 coaches at 70 opisyales ng Philippine delegation na malampa­san ang sixth place finish sa nakaraang 2015 edis­yon sa Singapore.

Sa pangunguna ni Chief of Mission Cynthia Carrion, Philippine Olympic Committee president Jose Cojuangco at Philippine Sports Commissioners Ramon Fernandez at PSC executive-director Atty. Carlo Abarquez hangad ng bawat isa ang matagum­pay na kampanya.

Umani na ng kabuuang isang gintong medalya mula kay Mary Joy Tabal sa marathon, isang pilak mula sa chinclone team event ng sepak takraw at dalawang tanso mula sa archer ang Pinoy team at inaasahang umangat sa itaas ng stan­ding sa pag-usad ng 12-day kumpetisyon sa mga darating na araw.

May halo ring lungkot ang kampanya matapos magkaroon ng injury ang dalawang pambato sa athletics na sina Europian-trained Ernest John Obiena (ACL) at Patrick John Unso (hamstring).

Kahit si Philippine Amateur Track and Field Association (Patafa) president Philip Ella Juico na mismo ang umaming malaking kawalan sa kampanya ang masaklap na pangyayari kung saan target sanang malampasan ang limang gintong produksiyon ng athletics sa 2015 Singapore Games.

“We win some, we lose some; that’s the way of life. We are all saddened by the bad news, but we have to live with it. It’s just that the kid (Obiena) really wanted to win and is so determined to bring honor to the country,” sabi ni Juico.

 Handa namang harapin ni Filipino-American Eric Shawn Cray na i-depensa ang titulo sa men’s 100-meter at 400-meter hurdles sa Martes.

Si Cray ang kasaluku­yang record holder sa SEA Games sa century dash kaya siya rin ang mahigpit na binabantayan ng mga kalaban.

“I’ll go for both. I’m gonna hold and go out there to win the gold,” sabi ni Cray.

Malakas naman ang tiwala ni dating four-time World Cup champion at ngayon head coach Paeng Nepomuceno sa magandang kampanya ng bow­ling team sa pamamagitan nina dating Asian bowling champion Liza del Rosario, Krizziah Lyn Tabora, Dyan Arcel Coronacion, Lara Posadas at Marie Alexis Sy sa women’s singles alas-9 ng umaga ngayon.

Sa men’s singles sisimulan na rin nina John Paule Macatula, Jo-Mar Roland Jumapao, Kevin Oliver Cu at Mervin Tan ang asam na gintong medalya alas-2:30 ng hapon sa Sunway Pyramid sa Petaling Jaya.

“This team is promising because they trained hard and well,” sabi ni PBF foun­ding member at multi-titled bowler Bong Coo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with