^

PSN Palaro

Diretsong otso sa pirates

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tuloy ang pamimirata ng Lyceum of the Philippines matapos bihagin ang Colegio de San Juan de Letran sa pamamagitan ng 75-68 desisyon upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Muling sumandal ang Pirates sa matikas na laro nina CJ Perez, Mike N­zeusseu at Jaycee Marcelino para dalhin ang kanilang tropa sa ikawalong sunod na panalo na higit na nagpatatag sa kanilang kapit sa solong pamumuno.

Hataw si Perez ng 14 puntos, limang rebounds at isang assists habang nagsumite ng double-double na 13 puntos, 15 boards at tatlong blocks si Nzeusseu.

“I kept challenging him (Nzeusseu) to play more aggressive because Letran is getting tired. First of all, we wrote the word composure on the board and I kept reminding it of it and I’m happy the team showed it in the end,” ani Lyceum assistant coach Jeff Perlas.

Pansamantalang hu­malili si Perlas kay head coach Topex Robinson na pinatawan ng one-game suspension matapos ang kanilang 97-93 panalo sa Emilio Aguinaldo College noong Agosto 10.

Umukit naman si Marcelino ng 13 puntos, pitong rebounds, tatlong assists at isang steals gayundin sina Reymar Caduyac na may 12 puntos at limang boards, at Jesper Ayaay na may pitong puntos at 11 rebounds.

Bumanat si Rey Nambatac ng 16 puntos, anim na rebounds at dalawang steals para sa Knights.

Nahulog ang Letran sa 5-4 baraha.

Sa unang laro, pinasuko ng San Sebastian College-Recoletos ang Emilio Aguinaldo College, 75-73 para umangat sa ikaapat na puwesto tangan ang 4-4 karta.

Kumuha ng lakas ang Stags kay Michael Calisaan na naglista ng 19 puntos at dalawang rebounds habang nagtulung-tulong naman sina Regile Ilagan, Ryan Costelo at JM Calma sa paghakot ng 33 puntos.

Lumasap ang Generals ng ikalimang kabiguan sa walong laro.

Nasayang ang 22 puntos, 14 boards, limang assists at isang steal ni Sidney Onwubere para sa EAC.

Sa juniors, nagsumite sina Enoch Valdez at Kobe Monje ng pinagsamang 50 puntos para hatakin ang Letran sa 93-87 panalo laban sa Lyceum.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with