^

PSN Palaro

Arum titiyakin na walang magiging isyu sa Pac-Horn rematch

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaasahan ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na wala nang magiging kontrobersya sa rematch nina Manny Pacquiao at Australian world welterweight king Jeff Horn.

Sinabi ni Arum kahapon na magsusumite ang World Boxing Organization ng listahan ng tatlong potensyal na referees at 10 judges na mamamahala sa ikalawang salpukan nina Pacquiao at Horn sa Nobyembre.

Matatandaan na na­ging kontrobersyal ang unanimous decision win ng 29-anyos na si Horn laban sa 38-anyos na si Pacquiao sa kanilang upakan noong Hulyo 2 sa Suncorp Sta­dium sa Brisbane, Australia.

Sinabi ni Arum na ayaw na niyang maulit ang natu­rang pangyayari sa rematch nina Pacquiao at Horn.

Idinagdag ni Arum na sa mga susunod na araw ay ihahayag na niya ang kumpirmasyon ng pa­nga­lawang bakbakan nina Pacquiao at Horn.

“Manny’s on board, Horn’s on board,” wika ng Top Rank promoter na si Arum sa isang panayam.

“The parties in Australia are meeting the Queensland government authorities on Saturday and hopefully the meeting goes well,” dagdag pa nito.

Inagaw ni Horn kay Pacquiao ang suot nitong WBO welterweight crown na pilit na babawiin ng Senador sa kanilang rematch sa Nobyembre.

Sinabi ni Arum na po­sib­leng gawin muli sa Suncorp Stadium ang laban nina Pacquiao at Horn.

Isang temporary cover ang itatayo sa outdoor arena para maging takip ng boxing ring kasama ang unang 10 rows ng mga manonood sakaling umulan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with