^

PSN Palaro

Gilas puntirya ang 5th place vs Lebanon

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Humulagpos sa Gilas Pilipinas ang tsansang makamit ang inaasam na gintong medalya.

Kaya naman pipilitin ng Nationals na makalapit sa pagkuha ng fifth place sa pakikipagsagupa sa mga Lebanese sa consolation round ng 2017 FIBA Asia Cup sa Nouhad Nawfal Sports Complex, Beirut, Lebanon.

Magtutuos ang Gilas at ang host Lebanon ngayong alas-9 ng gabi kung saan ang mananalo ang haharap sa mananaig sa laro ng nagdedepensang China at Jordan sa alas-6:30 ng gabi para sa fifth place.

Sasagupain naman ng Iran ang South Korea at lalabanan ng Australia ang New Zealand sa dalawang pares ng semifinals m­atches na magdedetermina sa mag-aagawan para sa gold medal.

Ang mga Koreans ang nagpabagsak sa Natio­nals, 86-118 sa kanilang quarterfinals game noong nakaraang Miyerkules sa nasabing 12-day, 16-nation tournament.

Ito na ang magi­ging pinakamasamang kam­pan­ya ng Gilas sa nakaraang apat na edisyon ng Asian meet matapos pumuwesto sa No. 4 sa Wuhan, China noong 2011, No. 2 sa Manila noong 2013 at sa Changsha noong 2015.

Bago matalo sa Koreans sa quarterfinals ay winalis muna ng Nationals ang mga Chinese, 96-87, Iraqis, 84-68 at Qataris, 80-74 para kumpletuhin ang pagwalis sa Group B.

Ginawa ito ng Gilas sa kabila ng hindi paglalaro nina naturalized center Andray Blatche at June Mar Fajardo (right calf injury).

Samantala, tinalo na­man ng Australia ang China, 97-71 habang bi­nigo ng New Zealand ang Jordan, 98-70, para makasama sa Final Four ang Iran, ang three-time champions at ang Korea, ang two-time ruler.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with