^

PSN Palaro

Bolts sinunog ang Fuel Masters

RCadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nalampasan ng Meralco ang matinding paghahabol ng Phoenix sa fourth quarter at ang magandang inilaro ng bagong hugot na si Jeff Chan para makaiwas sa kanilang ikalawang sunod na kamalasan.

Humakot si 2016 PBA Best Import Allen Durham ng 33 points at 16 rebounds para tulungan ang Bolts na matakasan ang Fuel Masters, 107-104 sa 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagdagdag naman si shooting guard Garvo Lanete ng 27 markers tampok ang 6-of-14 shooting sa three-point range para sa pang-limang panalo ng Meralco matapos ang 94-100 kabiguan sa NLEX noong Agosto 13.

Tumipa sina 2016  Rookie of the Year Chris Newsome at Reynel Hugnatan ng 18 at 15 points, ayon sa pagkakasunod, para sa Bolts.

Nalasap naman ng Phoenix ang kanilang ikaapat na sunod na kabiguan sa anim na laro matapos ang 2-0 panimula sa season-ending conference.

Nasayang ang kinamadang 38 points ni import Brandon Brown, pansamantalang pumalit kay Eugene Phelps, may iniindang foot injury, at 27 markers ni Chan.

Nahugot ng Fuel Masters ang 33-anyos na si Chan mula sa Rain or Shine Elasto Painters sa pamamagitan ng isang trade sangkot si Mark Borboran at isang future se­cond round draft pick.

Ipinoste ng Meralco ang 15-point lead, 77-62, sa huling apat na minuto ng third period hanggang makatabla ang Phoenix sa 99-99 galing sa undergoal stab ni Chan sa huling 2:45 ng laro.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with