Alora kay Lariba: para s’yo ang laban ko!
1st gold ng team PH puntirya ni Tabal
KUALA LUMPUR-- Matapang at puno sa pangarap na dadalhin ni Rio Olympian Kirstie Elaine Alora ang bandila ng Pilipinas sa pagbukas ng 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National Stadium dito.
Inaalay ni Alora sa kanyang 2016 Olympiad teammate na si Ian Lariba ang kanyang kampanya sa SEA Games.
“This is for her (Lariba),” sabi ni Alora.
Bago ang opening ceremonies, susubukan muna ni Rio Olympian Mary Joy Tabal na makabawi sa marathon event ng SEA Games.
Malakas ang kumpiyansiya ni Tabal na makuha ang unang gintong medalya ng Pilipinas matapos ang naunang isang silver mula sa sepak takraw at dalawang bronze galing sa archery.
Kasama ng Cebuanang si Tabal si Jeson Agravante na inaasahan din na magwawagi sa men’s competition.
Malaki ang tiwala ng 28-anyos na si Tabal na malalagpasan niya ang inaasahang 38 to 41 degrees na temperatura para maibigay ang unang gintong medalya ng Pilipinas para sundan ang naunang isang silver mula sa sepak takraw at dalawang bronze galing sa archery.
“Feelings that’s hard to express in words. I’m excited, nervous, thankful, humbled and hopeful. I will wear the flag with pride. I will compete with a heart and will fight like a warrior,” pahayag ng balingkinitang si Tabal.
“Yes! Goal for this training is the SEA Games. I had a good training in Italy, it was indeed hard but rewarding, it went well,” dagdag pa ni Tabal.
Si Agravante naman ng Silay City ay nangakong gagawin ang lahat para tuldukan na ang mahigit pitong taong walang gintong medalya sa marathon event na dating pinagharian nina Eduardo Buenavista at Jho-Ann Banayag noong 2009 sa Laos SEA Games.
“I am always grateful for everything. I will never be here right now without the people who believed in me, no words could express how grateful I am now for having these opportunities. It’s a great feeling to be bringing our country’s name,” wika naman ni Agravante.
Nalasap ng Philippine national football team ang kanilang unang pagkatalo sa mga kamay ng Indonesia, 0-3 sa Shah Ahlam Stadium habang ang Malditas (national women’s squad) ay natalo rin sa Vietnam, 0-3 sa UM Arena sa Petaling Jaya.
“I cannot accept those first two goals by Indonesia because we lost our focus and concentration on defense. Those goals were not supposed to happen,” sabi ni coach Marlon Maro ng men’s team na nanatili sa ikatlong puwesto sa tatlong puntos.
Tanggap naman ni coach Letlet Dimzon ang talo ng Malditas sa malakas na Vietnam.
Magpapahinga muna ang Malditas ng apat na araw bago sasabak laban sa Myanmar sa Agosto 22.
Ang tropa ni Dimzon ay bumagsak sa pang-apat na puwesto sa five-nation tournament.
- Latest