^

PSN Palaro

CdSL, OLFU nagparamdam agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maagang nagparamdam ang Colegio de San Lorenzo at Our Lady of Fatima University matapos ilampaso ang kani-kanilang karibal sa pagsisimula ng NAASCU Season 17 men’s basketball tournament sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Matikas na pinataob ng CdSL ang Manuel Luis Quezon University, 101-82  habang namayani naman ang OLFU sa La Salle-Araneta University, 82-66 para maagang pagsaluhan ang liderato tangan ang parehong 1-0 marka.

Kumuha ng lakas ang Griffins sa ‘Twin Towers’ na sina Soulemane Chabi Yo at Jon Gabriel para magarbong simulan ang kanilang kampanya sa torneong nilahukan ng 16 koponan.

Humatak din ang Griffins ng 36-25 sa rebounds gayundin ng 21-12 sa assists laban sa Stallions.

Nanguna para sa D­LS-AU si Jason Aquino na may 19 markers.

Samantala, nagbigay si Globalport Batang Pier team manager Bonnie Tan ng inspirational remarks habang si NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College ang naglatag ng welcome remarks.

Sina Tan, Adalem at NAASCU commissioner Pido Jarencio ang nanguna sa ceremonial toss.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with