^

PSN Palaro

Matamis ang paghihiganti ng BaliPure

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tinuldukan ng BaliPure ang pagkauhaw nito sa kampeonato matapos angkinin ang korona sa Premier Volleyball League Open Conference kamakalawa ng gabi sa The Arena sa San Juan City.

Bigo ang Water Defenders sa kanilang u­nang tatlong kumperensiya kung saan nagkasya ito sa third place noong 2016 Open Conference at 2016 Reinforced Conference.

Kaya sa pagkakataong ito, hindi na hinayaan ng BaliPure na makawala pa sa kanilang kamay ang titulo matapos hubaran ng korona ang Pocari Sweat sa bisa ng 2-0 sweep sa best-of-three championship series.

Naitala ng Water Defenders ang 25-22, 25-19, 25-22 panalo sa Game 1 at 25-20, 19-25, 25-23, 26-24 desisyon sa Game 2 para matamis na itarak ang pagresbak sa Lady Warriors na tumalo sa kanila sa finals ng Reinforced Conference noong Hunyo.

Naasahan ng husto ng Water Defenders si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones na siyang na­nguna sa kanilang tropa sa buong kumperensiya. Kaya naman karapat-dapat ito sa kanyang Finals MVP award kasama pa ang Se­cond Best Outside Spiker trophy.

“Hindi biro ang pinagdaanan namin. It’s a team effort. Hindi lang ako ang nagpanalo rito, kaming lahat, sama-sama naming naabot ang tagumpay na ito. Yung teamwork namin nandun mula simula hanggang huli ng laban,” wika ni Soltones.

Naging malaking factor din ang National University standouts na sina setter Jasmine Nabor, middle blocker Risa Sato at open hitter Aiko Urdas gayundin si Far Eastern University mainstay Jerrili Malabanan na nakatakdang sumabak sa UAAP Season 80 sa susunod na taon.

Bago ang UAAP wars, sasabak ang apat na manlalaro sa Collegiate Conference na magsisimula sa Setyembre 2 kasama ang kani-kanilang UAAP teams.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with