^

PSN Palaro

Pinay spikers laglag sa 8th

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nagkasya ang Pilipinas sa ikawalong puwesto sa 2017 AVC Asian Senior Women’s Volleyball Championship na pormal nang nagtapos kahapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagawang makipagsabayan ng Pinay spikers sa unang apat na sets laban sa mas matatangkad na Kazakhstan players bago isuko ang 20-25, 16-25, 25-21, 25-22, 15-3 desisyon sa kanilang battle-for-seventh match.

Inilatag ng Kazakhstan ang 66 atake laban sa 51 lamang ng Pilipinas habang nakakuha rin ito ng 12-7 kalamangan sa blocks.

Dinomina ng Pinays ang service area tangan ang pitong aces subalit nakagawa ito ng 29 errors na karamihan din ay galing sa service line.

Binanderahan ni Jaja Santiago ang host team ta­ngan ang 18 puntos buhat sa 14 attacks, tatlong blocks at isang ace habang naglista si open hitter Alyssa Valdez ng 11 markers at siyam na digs gayundin si opposite spiker Jovelyn Gonzaga na may 10 puntos - lahat galing sa attacks.

Gumawa si playmaker Kim Fajardo ng 19 excellent sets at limang puntos kasama ang tatlong aces.

“It’s still a good game. Malaking kunsuwelo na lang para sa amin na we were able to get them to five sets. They showed their experience in the fifth set but we can’t dwell on that (loss). We have to move forward,” wika ni Valdez.

Nakuha ng Japan ang korona habang sumegunda ang Thailand kasunod ang South Korea, China, Vietnam, Taiwan at Kazakhstan.

Nasa ikasiyam ang Iran habang ika-10 naman ang Australia, ika-11 ang Hong Kong, ika-12 ang New Zealand, ika-13 ang Sri Lanka at ika-14 ang Maldives.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with