^

PSN Palaro

Pac-Horn II malapit nang maikasa

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kagaya ng dapat asahan, ilang detalye na lamang ang paplantsahin para tuluyan nang maitakda ang rematch nina Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao at bagong world welterweight king Jeff Horn.

Isa rito ay ang pagtatalaga ng mga neutral judges na aaprubahan ng mga kampo ng 38-anyos na si Pacquiao at ng 29-anyos na si Horn matapos ang kanilang kontrobersyal na laban noong Hulyo 2.

Tinalo ni Horn si Pacquiao via unanimous decision para agawin sa Filipino boxing superstar ang suot nitong World Boxing Organization sa Suncorp Stadium sa Brisbane, Australia.

Ang ibinigay na 117-111, 115-113 at 115-113 points ng tatlong judges ay lubhang ikinagulat ng mga boxing experts at fans kaya umepala ang Games and Amusements Board sa WBO na rebyuhin ang nasabing laban.

Matapos muling panoorin ang fight tape ay pinatotohanan ng iniluklok na five-man panel ang panalo ni Horn kay Pacquiao.

Posibleng itakda ang rematch sa Nobyembre na maaaring gagawin sa alinman sa Melbourne at Gold Coast sa Australia.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with