^

PSN Palaro

Koreans rumesbak sa Gilas

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Koreans rumesbak sa Gilas

Pinabagsak ng Koreans ang Nationals, 118-86 sa kanilang quarterfinals game sa 2017 FIBA Asia Cup noong Miyerkules ng gabi sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon. FIBA.com Photo, File

MANILA, Philippines -  Matapos sibakin ng Gilas Pilipinas sa semifinal round ng FIBA Asia Cup noong 2013 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City ay isang matinding resbak naman ang ginawa ng South Korea.

Pinabagsak ng Koreans ang Nationals, 118-86 sa kanilang quarterfinals game sa 2017 FIBA Asia Cup noong Miyerkules ng gabi sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Nauna nang pinatalsik ng Gilas ang Korea sa semifinals ng FIBA Asia Cup noong 2013 sa Manila para makamit ang tiket sa 2014 FIBA World Cup sa Spain.

Dahil sa kabiguan ay nahulog ang koponan ni coach Chot Reyes sa classification phase para sa No. 5 hanggang No. 8 place sa biennial event na pinagharian ng mga Chinese noong 2015 sa Changsha, China.

Makakasagupa ng Nationals bukas ang mga Lebanese, tinalo ng mga Iranians, 80-70 sa isa pang quarterfinals duel para makaharap ang Koreans sa semifinals.

Tinapos ng Korea ang tatlong sunod na ratsada ng Gilas sa eliminasyon sa Group B.

Magkakasunod na pinabagsak ng Nationals ang nagdedepensang China, 96-87, Iraq, 84-68 at Qatar, 80-74 para makuha ang outright ticket.

Ang ikaapat na dikit na arangkada ng Koreans, naisuko ang una nilang laro laban sa host Lebanon bago igupo ang Kazakhstan, New Zealand at Japan, ang nag-akay sa kanila sa semifinals laban sa Iran, tinalo ang Lebanon, 80-70 sa quarterfinals.

Kumonekta ang Korea ng 16-of-21 shooting sa three-point range mula kina gunners Chan Hee Park, Choi Junhong, Lee Junhyong, Heo Ung, Kim Sunhyong, Jeon Junbeom, Yang Hongseok at Lee Seounghyun.

Nagtayo ang Koreans ng 24-point lead, 86-62 sa third period para tuluyan nang alisan ng tsansa ang Nationals na makabangon hanggang sa fourth quarter.

Humataw si scoring guard Terrence Romeo ng 22 points sa second quarter ngunit pinatahimik ng Korea sa kabuuan ng second half.

Naglaro naman si three-time PBA Most Valuable Player June Mar Fajardo sa unang pagkakataon ngunit umiskor lamang ng 2 points.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with