^

PSN Palaro

Bronze uli sa Pinas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Bronze uli  sa Pinas

Ipinapakita nina (mula kaliwa) Paul Marton dela Cruz, Joseph Vicencio at Earl Benjamin Yap ang kanilang bronze medal na sinikwat sa men’s archery compound event ng 2017 SEA Games sa Bukit Jalil Stadium. (Jun Mendoza)
 

Hatid ng Pinoy Archers

MANILA, Philippines -  Isang tansong medalya pa mula sa archery ang nadagdag sa kaban ng Pilipinas sa pagpapatuloy ng 2017 Southeast Asian Games archery competition sa NSC Synthetic Turf sa Bukit Jalil Sports Complex sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Nagsanib-puwersa sina Paul Marton Dela Cruz, Joseph Benjamin Vicencio at Earl Benjamin Yap sa pagsargo ng 233 kabuuang puntos mula sa 57-58-58-60 produksiyon upang pataubin ang Vietnam sa kanilang battle-for-third match sa men’s compound team event.

Nagtala ang Vietnam squad ng 230 (57-59-56-58).

Nasungkit naman nina Lee Kin Lip, Mohd Juwaidi Mazuki at Zulfadli Ruslan ng Malaysia ang ginto nang payukuin nila sina An Hang Ten, Alan Lee at Pang Toh Jin ng Singapore sa championship round sa bisa ng 228-222 iskor.

Ito ang ikalawang tansong medalya ni Dela Cruz matapos makuha ang kanyang una sa men’s individual compound category noong Miyerkules. Muling magtatangka ang Pinoy archers na makahirit ng medalya sa compound mixed category ngayong umaga.

Lumasap naman ng ikalawang sunod na kabiguan ang men’s national team sa water polo competition na ginaganap sa National Aquatics Center.

Nagtamo ang Pinoy squad ng dikit na 5-7 desisyon sa kamay ng reigning champion Singapore.

Maganda ang simula ng Pinoy tankers nang kunin nito ang 2-1 bentahe sa frst quarter.

Subalit inilabas ng Singapore ang kanilang bangis sa second period matapos magpasabog ng 4-1 run para kapitan ang 5-3 kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Pukpukan ang na­ging labanan sa second half kung saan nagpalitan lamang ng puntos ang dalawang koponan para tuluyang makuha ng Singaporeans ang panalo.

Nahulog sa ikaapat na puwesto ang Pilipinas tangan ang isang panalo at dalawang talo para sa dalawang puntos habang nangunguna ang Singapore at Indonesia na parehong may dalawang panalo (apat na puntos) kasunod ang Malaysia na may isang panalo at isang talo (dalawang puntos).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with