^

PSN Palaro

7th place habol ng Pinay spikers

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Alonte Sports Arena, Biñan, Laguna)

10 a.m.  Philippines  vs Kazakhstan (For 7th place)

12:30 p.m.  Vietnam vs Chinese-Taipei (For 5th place)

MANILA, Philippines - Hindi nagtagumpay ang Philippine national team laban sa Chinese-Taipei pagkaraang matalo, 19-25, 20-25, 19-25 kahapon sa 5th to 8th classification phase sa 19th AVC Asian Seniors Women’s championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Malungkot ang buong tropa ni coach Francis Vicente dahil nabigo sa hangaring masundan ang fifth place finish ng national team noong 1983 sa Fukuoka, Japan.

Dahil sa kabiguan ng Pinay Spi­k­ers ang Kazakhs­tan sa agawan sa pang-pitong puwesto ngayong alas-10  ng umaga.

Ang Kazakhstan ay bu­magsak din sa hulihan ng classification matapos matalo sa Vietnam, 25-22, 25-18, 21-25, 20-25, 15-5 sa ibang laro kahapon.

Hindi pinagbigyan nina Wu Wei-Hua, Hsiao Hsiang-Ling at team captain Chen Wan-Ting ang mga Pinay Spikers.

 Ang tatlong Taiwanese ay umiskor ng tig-siyam na puntos bawat isa para sa Chinese-Taipei.

Sa hangarin na paabutin sa four sets ang laro, lumamang agad sina Alyssa Valdez at Mika Reyes, 10-4, ngunit gumawa rin ng counter 7-0 rally ang mga Taiwanese kaya nakuha nila ang bentahe, 11-10.

Sa bawat pagsisikap ng koponan ni coach Vicente sa pamamagitan ng atake ni Aiza Maizo-Pontillas may sagot agad   ang Chinese-Taipei kaya tuluyan ng naglaho ang asam na tumapos sa pang-limang puwesto.

Sa ibang laro, nagwagi ang Japan sa China, 25-17, 25-18, 25-18, para masungkit ang unang Finals slot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with