^

PSN Palaro

China, Jordan pasok sa quarters

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napanatili ng nagdedepensang China ang kanilang pag-asang makuhang muli ang titulo matapos padapain ang Syria, 81-79 para masungkit ang puwesto sa quarterfinal round sa 2017 FIBA Asia Cup na ginaganap sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Sa kabilang banda, nagwagi naman ang Jordan laban sa Iraq, 84-70 upang umabante rin sa Final Eight.

Lalabanan ng Jordan ang New Zealand habang ang China ay haharap sa Australia sa susunod na round.

Sa iba pang quarterfinal matches, kasalukuyang nagbabanatan ang Gilas Pilipinas at South Korea at ang Iran laban sa host Lebanon habang sinusulat ito.

Nakuha ng China ang panalo matapos magmintis si William Alhaddad sa dalawang foul shots na sinundan ng sablay ni Jamil Saddir sa field-goal shot mahigit 10 segundo na lang ang nalalabi sa laro.

Sa laro ng Jordan, nakuha nito ang momentum mula sa ikatlong yugto at hindi na nila binitiwan hanggang matapos ang nasabing laro.

Kampante si Jordan coach Sam Daghlas sa magandang kampanya sa torneo.

Sila lamang ang tanging koponan sa grupo na hindi pa nanalo ng titulo habang ang iba gaya ng China, Philippines, Iran at South Korea ay mayroon ng kabuuang 21 Asian championships.

Ang  Australia at New Zealand ay dati na ring naghahari sa Oceania region.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with