^

PSN Palaro

Nadale ng Balipure

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nadale ng  Balipure

Nagdiwang ang miyembro ng BaliPure kasama si head coach Roger Gorayeb makaraang tanghaling kampeon nang igupo ang Pocari Sweat sa PVL Open Conference kagabi. (Ernie Peñaredondo)

Kampeon  sa PVL open  conference

MANILA, Philippines - Napigilan ng BaliPure ang paghahabol ng Pocari Sweat sa huling sandali ng laro bago itakas ang 25-20, 19-25, 25-23, 26-24 panalo tungo sa matamis na pagkopo sa kampeonato sa Premier Volleyball League Open Conference kagabi sa The Arena sa San Juan City.

Winalis ng Water Defenders ang best-of-three championship series kung saan nanaig din ito sa Game 1 noong Sabado sa pamamagitan ng 25-22, 25-19, 25-22 straight-set win.

Ito rin ang naging matamis na pagresbak ng BaliPure sa Pocari Sweat na siyang tumalo sa kanila sa finals ng Reinforced Conference noong Hunyo.

“As usual yung teamwork ng mga bata yun ang nagpanalo sa amin. Yung desire nila, yung passion para makuha ang championship na ito. First time ito sa BaliPure, malaking bagay ito sa mga bata at sa management,” pahayag ni BaliPure mentor Roger Gorayeb.

Pagkakataon sana ng Lady Warriors na maipu­wersa ang fifth set matapos kunin ang 22-21 kalama­ngan sa fourth set.

Subalit dalawang sunod na blocks ang inilatag ng Water Defenders kina Season MVP at opposite hitter Myla Pablo para makuha ang 24-22 kalamangan.

Nagawang maitabla ng Pocari sa 24-all ang iskor sa likod ng atake ni Pablo.

Ngunit pinakawalan ni Grethcel Soltones ang matikas na cross court attack kasunod ang 1-2 play ni setter Jasmine Nabor para tuldukan ang laban.

“Parating nire-remind sa amin ni coach na focus lang huwag kaming manggigil. Enjoy lang namin ang laro. Kami kahit marami kaming problema sa team nama-manage namin ang team namin kaya nagpapasalamat din ako sa mga teammates ko,” ani Soltones na siya ring hinirang na Finals MVP.

Sa unang laro, tinapos ng Creamline ang paghahabol ng Philippine Air Force, 18-25, 25-21, 25-17, 25-16 para pormal na makuha ang third place.

Sumandal ang Cool Smashers sa matikas na laro ni Cesca Racraquin na nagpakawala ng 18 puntos tampok ang 16 attacks habang nagdagdag naman sina Rosemarie Vargas at Rizza Mandapat ng tig-11 puntos.

Nauna nang nagwagi ang Cool Smashers sa Game One ng best-of-three series sa iskor na 25-16, 25-21, 25-19 noong Sabado.

Sa men’s division, pinayuko ng Cignal ang Mega Builders, 25-23, 25-17, 22-25, 25-22 sa rubber match upang masungkit ang ikalawang sunod na korona nito.

Nanguna si skipper Ysay Marasigan sa hanay ng Cignal matapos kumana ng 17 puntos habang nagsanib-puwersa sina Edmar Bonono at Peter Torres sa pagkolekta ng 23 puntos.

Tinapos ng HD Spikers ang best-of-three series tangan ang 2-1 rekord.

Napasakamay naman ng Air Force ang third-place trophy nang patumbahin nito ang Sta. Elena, 25-22, 25-20, 25-23.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with