PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao-Horn rematch halos plantsado na – Arum

MANILA, Philippines – Malapit nang matuloy ang inaabangang rematch sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn, ayon kay Top Rank Inc. chief Bob Arum.

Sa ulat ni Chris Mannix ng Yahoo! Sports, halos plantsado na ang muling paghaharap ng dalawang boksingero kung saan inaasam ni Pacquiao na mabawi ang WBO welterweight title na kinuha ni Horn nitong Hulyo.

Marami ang kumuwestyon sa pagkapanalo ni Horn ngunit kalaunan ay nakumpirma rin ito sa ginawang review ng WBO.

Upang maiwasan na mabahiran muli ng pagdududa ng resulta ng laban, nais ni Arum na magkaroon ng background check sa mga uupuang hurado.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Matapos matalo si Pacquiao, sinabi ng Pinoy boxer na nais niyang gamitin ang rematch clause sa kanilang kontrata.

Malaki naman ang posibilidad na sa Australia muli gawin ang bakbakan.

Wala pa namang petsa ang laban ay tiyak naman ito na mangyayari sa nalalabing mga araw ng 2017.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: