Pinay spikers yukod sa Thailand
MANILA, Philippines - Bigo na naman ang Philippine national women’s team laban sa five-time SEA Games champion na Thailand, 21-25, 14-25, 20-25, sa quarterfinal round ng 19th AVC Asian Senior’s Women’s Championship kagabi sa Biñan City, Laguna.
Sa kanilang ikatlong panalo sa apat na laro ay nasungkit ng Thailand ang huling semifinal slot at haharap sa South Korea sa Round of Four.
Sa ibang semis match, magtatagpo naman ang nagdedepensang China laban sa Japan.
Ang mga Pinay spikers ay nahulog sa classification kung saan haharapin nila ang Chinese-Taipei para sa agawan sa 5th hanggang 8th place.
Tinalo ng China ang Kazakhstan, 25-16, 34-32, 25-23, para sa unang semifinal slot at nagwagi naman ang South Korea laban sa Chinese-Taipei, 25-20, 25-11, 28-26.
- Latest