^

PSN Palaro

Gilas kontra sa Korea para sa semifinals berth ng FIBA Asia Cup

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ilang beses nang nag­sa­gupa ang Gilas Pilipinas at ang South Korea sa hard­court.

At ngayong alas-6:30 ng gabi (alas-11:30 ng ga­bi sa Manila) ay muling mag­kukrus ang landas ng mga Pinoy at Koreans pa­ra sa agawan sa tiket sa se­mifinal round ng 2017 FIBA Asia Cup sa Nouhad Nawfal Sports Complex sa Beirut, Lebanon.

Kinumpleto ng Gilas, ang World No. 27, ang three-game sweep sa Group B para awtoma­tikong umabante sa Last Eight, samantalang tinalo ng Korea, ang World No. 30, ang Japan, 81-68, sa ka­nilang playoff match no­ong Lunes.

Magkasunod na binigo ng Nationals ang nag­de­depen­sang China, 96-87, Iraq, 84-68, at Qatar, 80-74, para uma­bante sa knockout quarterfinals.

Makailang ulit nang ti­nalo ng Koreans ang Nationals sa mga krusyal na ba­hagi ng torneo bago ito napigilan ng tropa sa se­mifinals ng FIBA Asia Cup noong 2013 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang naturang 86-79 panalo ang nagbigay sa Gilas ng tiket para makalaro sa FIBA World Cup na idinaos sa Spain noong 2014.

Sa nakaraang 39th Jones Cup sa Chinese Taipei noong Hulyo ay binigo ng Korea ang Gilas team na nagparada sa mga cadet players, 72-83.

Maglalaro ang Koreans sa quarterfinals bitbit ang 3-1 baraha.

Inaasahang lilimitahan ng Gilas sina big men Se­keun Oh at Sunhyung Kim na naging susi sa kanilang pag­si­bak sa Japan sa knockout game.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with