Water defenders hangad Ang sweep para sa korona
MANILA, Philippines - Puntirya ng BaliPure na maisukbit ang kanilang unang titulo sa liga sa pakikipagtipan sa nagdedepensang Pocari Sweat sa Game Two ng kanilang Premier Volleyball League Open Conference best-of-three championship series sa The Arena sa San Juan City.
Nakatakda ang bakbakan ng Water Defenders at Lady Warriors sa alas-6:30 ng gabi kung saan nais ng BaliPure na tuldukan ang pagkauhaw sa titulo.
Bukod pa rito, target ng Water Defenders na maresbakan ang Lady Warriors matapos matalo sa Finals, 1-2, ng Reinforced Conference noong Hunyo sa kanilang best-of-three title series.
Nakauna ang Water Defenders sa serye nang kubrahin ang 25-22, 25-19, 25-22 panalo sa Game One laban sa Lady Warriors.
Subalit walang balak maging kampante ang BaliPure dahil alam ng tropa na gagawin ng Pocari Sweat ang lahat upang maitabla ang serye.
“They (Lady Warriors) have nothing in mind but to win,” wika ni Water Defenders’ coach Roger Gorayeb.
Babanderahan ni three-time NCAA MVP at Second Best Outside Spiker awardee Grethcel Soltones ang atake ng BaliPure kasama sina Aiko Urdas, Risa Sato at Jerrili Malabanan katuwang sina setters Jasmine Nabor at Angelica Cayuna at libero Lizlee Anne Gata para sa BaliPure.
Magsisilbing lakas naman ng Pocari si Season MVP at First Best Outside Spiker winner Myla Pablo.
Nalimitahan sa siyam na puntos si Pablo sa Game 1 dahil sa pananakit ng kaniyang tiyan gawa ng UTI (urinary tract infection).
“She (Pablo) had pain on her abdomen since Saturday. On Sunday morning, she was brought to the hospital and they said she has UTI,” ayon sa source ng Pocari.
Sa men’s division, paglalabanan ng Cignal TV at Mega Builders ang korona sa ala-1 ng hapon.
- Latest