PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Elasto Painters winakasan ang kamalasan

Hinablot ni import J’Nathan Bullock ng Rain or Shine ang rebound laban kay Jackson Corpuz ng Kia. Jun Mendoza

MANILA, Philippines - Sa likod ng kanilang ba­gong import at dalawang hugot mula sa dalawang magkahiwalay na trades ay winakasan ng Rain or Shine ang kanilang kama­lasan.

Tinapos ng Elasto Pain­ters ang dalawang sunod nilang kabiguan matapos talunin ang bumubulusok na Kia Picanto, 94-86, sa 2017 PBA Governor’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot ang bagong import na si J’Nathan Bul­lock ng 20 points, 10 rebounds, 2 steals at 2 blocks para sa 2-2 record ng Rain or Shine.

Umiskor naman sina Mark Borboran at Ed Daquioag ng pinagsamang 13 markers, habang may 13 at 12 points sina Chris Tiu at Beau Belga, ayon sa pagkakasunod.

Mula sa 44-36 abante sa halftime ay kinuha ng Elasto Painters ang 13-point lead, 57-44, sa third period patungo sa pag­­poposte ng 76-59 kala­ma­ngan sa 10:13 minuto ng final canto.

Nakalapit ang Picanto, na­lasap ang ikaanim na su­nod na kamalasan, sa 82-87 agwat mula sa tres ni import Markeith Cummings sa huling 1:57 minuto.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: