PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

2 golds asam ng triathlon sa SEAG

MANILA, Philippines - Optimistiko ang Triathlon Association of the Philippines (TRAP) na makahihi­rit ng dalawang gintong me­dalya sa 2017 Southeast Asian Games.

Ipaparada ng TRAP si­na Nikko Bryan Huelgas at Maria Claire Adorna na na­katakdang ipagtanggol ang kanilang titulo sa Water Sports Complex sa susunod na linggo.

Galing sina Huelgas at Adorna sa matikas na trai­ning camp.

Nagmula si Huelgas sa kampeonato sa ASTC Triathlon Asian Champion­ships na ginanap sa Indonesia noong Hul­yo.

Naglista si Huelgas ng bilis na da­lawang oras at 50 se­gun­do, limang minutong mas mabilis sa kanyang mga SEA Games rivals na sina Jauhari Johan (2:05:35) at Muhammad Ahlul Firman (2:05:57) na parehong mula sa Indonesia.

Sariwa naman si Adorna sa isang buwang training camp sa Phuket, Thailand.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Makakasama nina Huelgas at Adorna sa kampanya sina Kim Mangrobang at John Chicano.

Nagkasya lamang si Mangrobang sa pilak noong 2015 Singapore Games.

Nagsanay siya sa ilalim ni Portuguese coach Sergio Santos sa Portugal.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: