PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Phl athletes dumagsa sa Kuala Lumpur

Para sumabak sa 29th Southeast Asian Games

MANILA, Philippines - Nagsimula nang dumating sa Kuala Lumpur, Malaysia ang ilang miyembro ng pambansang delegasyon na magtatangkang humirit ng gintong medalya sa 2017 Southeast Asian Games.

Naunang nagtungo ang grupo ng mga windsurfers upang makaagapay sa klima at magamay ang kanilang mga equipment na gagamitin sa kumpetisyon.

Nasa Malaysia na rin ang netball, sepak takraw at football teams na siyang mga unang atletang sasabak sa naturang biennial meet.

Pasok sa Group B ang men’s football team kasama ang Thailand, Indonesia, Vietnam, Cambodia at Timor-Leste kung saan ang dalawang mangungunang koponan lamang ang papasok sa semis.

Unang makakaharap ng national men’s U23 football squad ang Cambodia sa Selayang Stadium. Ang women’s squad ay makikipagtuos sa Malaysia sa UiTM Shah Alah Stadium.

Lalarga naman ang national netball squad laban sa Thailand bukas kasunod ang sepak takraw.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nakatakdang umalis ngayong araw ang national archery team kasabay ang medical team mula sa Philippine Center for Sports Medicine at ilang miyembro ng secretariat ng Philippine Sports Commission (PSC).

Ayon kay PSC executive director at SEA Games task force chief Atty. Carlo Abarquez, sabay-sabay na aalis ang muay thai, squash, swimming, volleyball, basketball, judo, tennis at triathlon sa Sabado.

Didiretso sa Malaysia si Olympian Eric Shauwn Cray na nakatakdang ipagtanggol ang kanilang korona sa men’s 100m dash at 400m hurdles. Lumahok si Cray sa IAAF World Athletics Championship sa London.

Sa Malaysia na rin lalapag sina Richardson twins - Kyla Ashly at Kayla Anise – na inaasahang aariba sa women’s 100-meter at 200-meter runs at sa 4x100-meter at 4x400-meter relays.

“However, other athletes who are athletes who are either training or competing abroad as part of their foreign exposure will go straight to Kuala Lumpur. We’re monitoring their arrival and we’re confident that everything will be hassle-free as the tournament draws near,” ani Abarquez.

Umaasa ang pambansang koponan na malalampa­san ang seventh-place finish sa Myanmar SEA Games noong 2013 at ikaanim na puwesto sa 2015 Singapore Games.

“My personal goal is at least 50 gold medals. But after conferring with NSA leaders and coaches, they promised to deliver at least 63 gold medals. We’re ready to for battle. Everybody is upbeat and ready to compete,” sambit naman ni Chef de Mission Cynthia Carrion.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: