PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pinay spikers kumpiyansang lalaban sa Korea

MANILA, Philippines -  Kahit na natalo sa Kazakshtan ay malakas pa rin ang kumpiyansiya ng Philippine national women’s team sa kanilang pagharap laban sa Pool C leader South Ko­rea ngayong alas-5:30 ng ha­pon sa quarterfinal round ng 19th AVC Asian Senior’s Women’s Championship sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Pumapangalawa ang mga Pinay sa  Pool A sa ka­nilang 1-1 kartada sa li­kuran ng Kazakshtan na na­natiling walang talo sa da­lawang laro.

Nabigo sina Alyssa Valdez at Mika Reyes na maka­bawi sa mas matangkad na Kazakhstan,  23-25, 20-25, 19-25, noong Biyernes.

Ang tanging panalo pa lang nila ay sa Hong Kong,  25-21, 25-16, 25-17, noong Miyerkules.

Sasabak din ang tropa sa darating na 29th Southeast Asian Games sa Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa kanilang pagpasok sa quarterfinals (top 8) ay na­­­itaas din nina Valdez, Re­yes, Jaja Santiago, Aby Ma­raño, Ces Molina ang koponan mula sa 12th place finish noong 2015 sa Tianjin, China.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Ang ibang pumasok sa quarterfinals ay ang Kazakshtan, Korea, Vietnam, Thailand, Japan, China at Chinese-Tapei.

Bukod sa sweep ng Ka­zakshtan sa Pool A ay na­walis din ng Japan ang Pool B (2-0), habang ang nag­depensang China ay pu­mangalawa sa 1-1.

Dinomina ng South Korea (3-0) ang Pool C at pi­nangunahan ng Thailand ang Pool D (3-0).

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: