PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Robinson pinatawan ng suspensyon

MANILA, Philippines -  Pinatawan ng NCAA Management Committee ng one-game suspension si Lyceum of the Philippines Pirates coach Topex Robinson matapos ang kanyang ejection sa 97-93 panalo nila kontra sa Emilio Aguinaldo College Generals noong Huwebes sa 93rd NCAA men’s basketball tournament sa EAC Gym.

“Yes, he was suspended,” sabi ni Mancom chair Fr. Glyn Ortega, OAR, ng host San Sebastian College kay Robinson.

Binigyan si Robinson ng dalawang technical fouls sa 6.21 minuto sa second quarter na nag-resulta sa kanyang automatic ejection.

Dahil sa nasabing suspensiyon ay hindi makakaupo si Robinson sa bench ng Pirates laban sa Letran Knights sa Biyernes sa Filoil Arena sa San Juan City.

Ayon kay Ortega, binigyan din ng one-game suspension si St. Benilde guard JJ Domingo dahil sa unsportmanlike behavior sa laro nila laban sa San Sebastian noong Bi­yernes kung saan natalo ang Blazers, 71-101.

Samantala, babayaran ng University of Perpetual Help ang sinirang locker room ni coach Nic Omorogbe sa FilOil Arena matapos matalo ang Altas sa Knights, 61-63.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Sinabi ni Perpetual athletic director Sammy Acaylar na babayaran nila ang lahat ng damages.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: