PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Meralco target ang Win No. 5; 2 bagong hugot ipaparada ng RoS

MANILA, Philippines -  Habang puntirya ng Me­ralco ang kanilang pang-limang sunod na panalo ay malalaman naman ng Rain or Shine kung tama ang ka­nilang naging desisyon sa pagpapakawala kina ve­teran shooting guard Jeff Chan at Gilas cadet play­maker Mike Tolomia.

Lalabanan ng Bolts ang NLEX Road Warriors nga­yong alas-6:45 ng gabi matapos ang pagtatapat ng Elasto Painters at Kia Picanto sa alas-4:30 ng hapon sa 2017 PBA Go­vernor’s Cup sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hawak ng Meralco ang malinis na 4-0 record kasunod ang Star (3-0), NLEX (4-1), nagdedepensang Ba­rangay Ginebra (3-1), San Miguel (2-1), TNT Ka­tro­pa (2-1), Phoenix (2-3), Rain or Shine (1-2), Globalport (1-2), Blackwater (1-3), Alaska (0-4) at Kia (0-5).

Umiskor ang Bolts ng 112-97 panalo laban sa Pi­canto noong Agosto 6 kung saan nagposte si 20­16 PBA Best Import Allen Dur­ham ng triple-double mu­la sa kanyang tinapos na 25 points, 13 assists at 11 rebounds.

Hangad ni one-time PBA Grand Slam champion coach Norman Black na patuloy na solohin ng Me­ralco ang liderato.

“We really wanted to fo­cus on the game so as not to stumble, and stay on top,” wika ni Black.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

Nagwakas naman ang apat na sunod na ratsada ng NLEX nang makatikim ng 97-110 kabiguan sa Gi­nebra noong Agosto 5.

Sa unang laro, itatampok ng Rain or Shine ang mga bagong hugot na sina Mark Borboran at Gilas Pilipinas cadet Ed Daquioag sa kanilang pagsagupa kon­tra sa Kia.

Dinala ng Elasto Pain­ters si Chan sa Phoenix Fuel Masters kapalit ni Bor­boran at isang second-round draft pick at si Tolomia sa Meralco para kay Da­quioag.

Samantala, hinugot ng Phoenix si Brandon Brown bilang standby import habang nagpapagaling ng kanyang foot injury si Eugene Phelps.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: