PSN Palaro ( Leaderboard Top ), pagematch: , sectionmatch: 1

Pacquiao pinuri sina Marquez, Bradley

MANILA, Philippines – Walang masamang tinapay kay eight-division Manny Pacquiao matapos niyang kilalanin ang husay ng mga dating karibal sa boksing.

Pinuri ni Pacquiao sina Juan Manuel Marquez at Timothy Bradley na kapwa nagpahayag ng kanilang pagreretiro.

“I wish both of them well. They were great fighters during their prime,” pahayag ng fighting senator sa pamamagitan ng kaniyang media officer na si Aquiles Zonio.

Apat na beses nakasagupa ni Pacquiao si Marquez, habang tatlo naman kay Bradley.

Naging makasaysayan ang huling pagkikita nina Pacquiao at Marquez kung saan pinatulog ng Mexicano ang Pinoy boxer noong 2012.

Namahinga na sa boksing ang 43-anyos na si Marquez dahil sa mga iniindang injury, habang nagdesisyong magretiro si Bradley matapos masaksihan ng malapitan ang duguang Pacquiao nitong Hulyo sa Australia.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:

“May God bless both of them and their families,” patuloy ni Pacquiao.

Tangay nina Marquez at Bradley ang magagandang boxing records na 56-7-1 (with 40 KOs) at 33-2 (with 13 KOs), ayon sa pagkakasunod.

PSN ( Article MRec ), pagematch: 1, sectionmatch:
  • Follow Us: