TINGNAN: Pacquiao naka plakda sa retirement cake ni Marquez
MANILA, Philippines – Pinagkatuwaan si eight division champion Manny Pacquiao sa retirement party ng kaniyang karibal na si Juan Manuel Marquez.
Sa Instagram post ng Boxinghype kita ang cake ni Marquez kung saan ginaya ang pagkapanalo niya sa ikaapat na pagtutuos nila ni Pacquiao noong 2012.
Naging makasaysayan ang knockout victory ni Marquez matapos mapuruhan si Pacquiao na nakatulog sa ring.
Inihayag ng 43-anyos na si Marquez ang pagreretiro kung saan tangay niya ang 56-7-1 na record na may 40 KOs.
Narito ang larawan na pinaggayahan ng cake.
- Latest