^

PSN Palaro

The Beast

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Business as usual si Calvin Abueva para sa Alaska sa PBA Governors Cup.

Pero wa epek.

Hindi pa rin nakaalis sa hukay ang Alaska na natalo sa Talk ‘N Text nung Biyernes at lalung nabaon sa record na 0-4.

Nag-disappearing act kasi si Abueva last week. Hindi umatend ng practice at laro sa PBA.

Hindi rin siya nagpakita sa practice ng Gilas. Sumipot lang siya nung sinabihan ni coach Chot Reyes na isa pang absent ay tanggal siya sa team.

Personal reasons  o family matters daw ang dahilan.

May pinagdadaanan ang “The Beast.”

Naiintindihan naman natin ito pero bilang professio­nal ay mahirap naman na kalimutan mo ang mga tungkulin mo dahil sa personal na problema.

Sabi nga sa showbiz, “The show must go on.”

May mga nakita na akong players na naglaro kahit na may karamdaman o kaya ay may pinagdadaanan gaya ng pagkawala ng isang mahal sa buhay.

Nagpaliwanang si Abueva sa management at humingi pa nga ng dispensa sa buong team.

‘Wag na lang sana maulit dahil baka maging e­xam­ple sa iba na pwede naman pala ang ginawa niya.

Anuman ang problema ni Abueva ay sana ay ma­lampasan niya.

Kaya bumalik siya sa game laban sa Talk ‘N Text. Pero gaya nga ng nasabi ko ay wa epek.

Natalo ang Alaska.

At kung bibilangin na ang kanilang losing streak mula sa pagtatapos ng Commissioner’s Cup ay 0-12 na sila.

Baka naman wala kay Abueva ang problema.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with